artaide.pages.dev


Short biography ni jose rizal para sa bayan

Isang bayaning nag-alay ng buhay sa bansa si Jose Rizal. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, sa Calamba, Laguna. Ama niya si Francisco Mercado Rizal na taga-Binan. Ina naman niya si Teodora Alonzo Realonda na taga-Maynila. Sampu lahat ang mga kapatid ni Jose. Kabilang sa mga mayayaman ang pamilya nina Jose. Sa katunayan malaking-malaki ang bahay na ipinatayo nila sa sentro ng Calamba.

Tatlong taon pa lamang ay natutuhan na ni Jose mula sa kanyang ina ang pagbasa ng alpabeto. Ang pormal na pag-aaral ay una niyang naranasan sa pamamahala ni Don Justiniano Aquino Cruz, isang guro sa Binan. Sapagkat matalinong estudyante, hinangaan siya ng mga guro at mga kamag-aral sa nasabing paaralan. Noong nagkaroon ng problema sa lupa si Dona Teodora laban sa mga paring Dominiko sa Calamba, napilitang umalis si Jose sa Dominikong paaralang kaniyang pinapasukan.

Lumipat siya sa Ateneo. Sa paaralang Heswita nabuo kay Jose ang tiwala sa sarili.

Rizal full name

Sa nasabing paaralan, lalo siyang tumalino at humusay. Nakuha niya ang titulong emperador nang tanghalin siyang pinakamatalinong estudyante sa Ateneo. Sa nasabing paaralan kinilala siya sa pagsusulat.