artaide.pages.dev


Biography of florentino collantes in english

Mag-post ng isang Komento. Biyernes, Hunyo 4, Sino si Florentino Collantes?

Ang lumang simbahan ni florentino collantes

Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong nakaraan lang, habang naglalakad galing sa U. Diliman papuntang Katipunan ay napadaan ako sa F. Collantes St. Ipinangalan ang kalsadang iyon sa makatang Florentino Collantes na naging Hari ng Balagtasan nang talunin niya noon ang idolo ko ring makatang Huseng Batute o Jose Corazon de Jesus.

Tulad ko, mahilig din sa tula at pagtula si Florentino Collantes. Isa siyang dakilang makata. Nakilala ko ang makatang Florentino Collantes dahil sa kanyang anak na si Mam Loreto Collantes Cotongco na isa sa tatlong adviser namin sa aming campus paper sa kolehiyo. Kaya nang makita ko sa National Book store ang pangalang Florentino T. Collantes ay agad kong binili ang aklat niya ng mga tula na pinamagatang Ang Tulisan at iba pang Talinghaga.

Bukod sa siya'y ama ng aming adviser sa diyaryong pangkampus, si Florentino Collantes ay kinilala ring duplero noong kanyang panahon. Kinilala rin siya bilang Ikalawang Hari ng Balagtasan.